Natatanging Hyster, Ginawa Para sa Iyo

MGA FORKLIFT NA TUGMA SA IYONG NEGOSYO AT BUDGET

Ang nako-configure na A Series forklift lineup ay idinisenyo na umayon upang matugunan ang mga natatangi mong pangangailangan, na may kalidad at suporta na inaasahan mula sa isang Hyster.

HUWAG MAGBAYAD NANG MALAKI PARA SA TRUCK NA HINDI MO KAILANGAN
HUWAG MAG-SETTLE SA TRUCK NA HINDI NAKAKATUGON SA PANGANGAILANGAN MO

Sayang ang pera sa kapag bumili ka ng forklift na may mga feature na hindi importante para sa negosyo. Pero may kapalit din ang pagbili ng lift truck na hindi nakakatugon sa pangangailangan, isinasakripisyo nito ang pagiging produktibo at pagganap at mas malaki ang gastos sa pagmementina. Kailangan mo ang equipment na tugma sa iyong mga ginagawa

Sa Hyster, alam naming hindi magkakapareho ang hamon para sa bawat customer. Kaya sa halip na pagbentahan ka ng truck na ginawa namin, gagawin namin ang truck na kailangan mo. Nagsisimula ang aming A+ Logic na proseso sa manufacturing sa A Series lift truck platform bilang batayan, at pagkatapos ay pipiliin mo ang mga opsyon na kailangan mo – walang labis, walang kulang – para makuha ang tamang forklift sa tamang presyo.

MAAASAHANG PERFORMANCE

Mula sa economy hanggang sa premium, ang lahat ng modelo ng A Series ay sinusuportahan ng de-kalidad na Hyster brand.

SULIT SA GASTOS

Nakakatulong ang mga feature na naaayon sa mga pangangailangan upang magamit nang husto ang iyong truck para sa mga paggagamitan nito at upang bumaba ang iyong kabuuang gastusin.

PINASIMPLENG MAINTENANCE

Mas pinasimple ang mga karaniwang bahagi at interface para sa maintenance ng buong A Series na linya ng produkto.

 

MAS MABABANG PLANO SA MAINTENANCE NA HANGGANG SA 75% 

Mas malaki ang matitipid dahil sa pagkakaiba sa dalas ng pagseserbisyo, gastos sa mga piyesa at palagiang pagpuno ng mga likido kumpara sa isang nangungunang kalaban na modelo.

Habang maayos pa ang kalagayan ng truck, magagamit ito nang higit sa 10,000 oras bago isagawa ang nakaplanong maintenance at bago gumastos para sa pagseserbisyo

HYSTER H2.5A 103 GAWAIN
 
VS
 
TOYOTA 8FGU25 440 GAWAIN
DSS logo

DYNAMIC STABILITY SYSTEM 

 

Napakahalaga ng kaligtasan ng forklift habang isinasagawa ang pagbubuhat ng mga materyales. Kaya idinisenyo namin ang Hyster® Dynamic Stability System (DSS) bilang isang opsyon sa modelo ng A Series. Sinusuportahan ng makabagong sistema ang pagtitiwala at pagsulong ng mga ligtas na kasanayan sa pagpapatakbo para sa mga operator ng forklift. I-click ang bawat aspeto para alamin pa.

Lateral na sistema ng katatagan ng forklift

 

Binabawasan ang labis na pagtabingi kapag lumiliko ang lift truck, na tumutulong na mapabuti ang lateral na katatagan. Ang makabagong disenyo ng steer axle ay nagbibigay-daan sa mahusay na pagtakbo sa mga hindi pantay na daan. Ang sistema ay 100% na hindi kailangan ng maintenance, na walang mga controller, sensor o mga kable.

Kontrol sa traksyon sa matataas na lift

 

Nililimitahan ang bilis ng truck kapag nakataas ang carriage sa taas ng threshold. Makakatanggap ang operator ng nakikitang palatandaan sa display ng truck at naririnig na babala.

Kontrol sa pagtabingi sa mataas na lift

 

Nililimitahan ang bilis ng pagtabingi at saklaw ng pagtabingi pasulong kapag nakataas ang carriage sa taas ng threshold habang may karga. Makakatanggap ang operator ng nakikitang palatandaan sa display ng lift truck at naririnig na babala.

Kontrol sa mga kanto

 

Dynamic na nililimitahan ang bilis kapag nagmamaneho sa mga kanto, batay sa kung gaano katindi ang pagliko ng truck. Makakatanggap ang operator ng nakikitang palatandaan sa display ng forklift at naririnig na babala.

I-configure ang iyong hyster a series

Gumamit ng A+ Logic para iayon ang iyong solusyon

Hyster Forklift

MAGTIWALA SA AWARD-WINNING NA CONFIGURABILITY

Ang mga unang modelo na ipinakilala namin ay mabilis na kinilala. Ang Hyster H2.0-3.5A, ICE pneumatic tire forklift na may kapasidad na 2,000 hanggang 3,500 kilo, ay nagwagi sa prestihiyosong GOOD DESIGN® Award at binoto bilang produkto ng taon para sa ergonomya at kaligtasan ng mga mambabasa ng Material Handling Product News at MaterialHandling247.com.

 

 

 

Simulan ang pakikipag-usap
Makipag-usap sa isang bihasang propesyonal sa paghawak ng mga materyales para makatulong sa pag-configure ng iyong Hyster A Series